Pagpasok sa Pilipinas ng Pinoy travelers na fully vaccinated na, pinag-aaralan na ng DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na pagbibigay ng insentibo sa mga Pinoy na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, bukas sila sa mungkahi ng “liberal incentive” kung saan papayagan ng makapasok sa Pilipinas ang Pinoy na fully vaccinated traveler.

Aniya, ginagawa na ang naturang insentibo sa Amerika at United Kingdom kung saan aabot na sa 30 percent ng populasyon ang nabakunahan.


Una nang iminungkahi ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng “green lane” sa pagpasok sa Pilipinas ng mga dayuhang fully vaccinated na laban sa COVID-19 para sa makabawi ang tourism industry.

Habang pinaalis na ni Senate President Tito Sotto ang 14-days quarantine sa mga papasok sa Pilipinas na fully vaccinated na.

Facebook Comments