Baby boy na nakitang inabandona sa Surigao City, may nag-claim at nagpakilalang ina

156

Baby boy na nakitang inabandona sa Surigao City, may nag-claim at nagpakilalang ina. Matapos nakitang inabandona ang isang baby boy sa may gilid ng poste sa inatayong bahay sa Vasquez-Narciso St., Surigao City noong Agosto 8, may nag-claim at nagpakilalang ina na. Dumulog sa City PNP at Crisis Center ang 23 taong gulang na sinasabing siya ang ina ng bata. Diumano’y hindi niya itinapon at inabandona ang mahigit isang buwan na baby kundi iniwan lamang sa isang kaibigan para magtrabaho sa isang mall dito sa lunsod. Tinukoy na noong isang araw tinawagan niya ang kaibigan para ibigay ang pambili ng gatas ngunit tumanggi ito dahil siya na ang bibili. Kinabukasan tumawag na naman siya ngunit hindi na makontak sa cellphone ang kaibigan. Balak nitong makuha ang bata para siya na ang mag-alaga nito. Ayon naman kay Supt. Jay Baybayan, ang Chief of Police ng Surigao City, ini-refer nila sa DSWD ang claim ng nagpakilalang ina lalo na’t para sa kanila suspek pa ring maituturing ang babae sa paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse. Sa panig naman ng DSWD, diumano’y kailangang maipresenta ng babae ang birth certificate, mga pictures at ibang dokumento sa pagpapatunay ng relasyon sa bata, kung makumpleto na nito doon pa sila magdedesiyon sa susunod na hakbang na gagawin.

Facebook Comments