Umapela ang Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos nitong patawan ng 25 porsyentong buwis ang mga pribadong paaralan sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Cocopea Managing Director Atty. Joseph Noel Estrada, sinabi nito na nagdulot ng pangamba sa maraming guro at empleyado mula sa pribadong paaralan ang BIR Revenue Regulation No. 5-2021 (RR 5-2021).
Sa gitna kasi aniya ng pandemyang kinakaharap ng bansa at hirap na nararanasan ng mga paaralan dahil sa pagpapatupad ng K-12 curriculum ay nag-atang pa ng mabigat na dalahin sa mga pribadong paaralan.
Ibinabala naman ni Estrada ang posibleng pagkawalan ng trabaho ng maraming empleyado at guro mula sa mga pribadong paaralan at ang posibleng pagsasara ng mga ito.