Mabuting balita para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagpataw ng multa laban sa Manila Water.
Kanina matatandaang pinatawan na ng parusa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang private water concessionaire na Manila Water kaugnay ng naranasang water shortage sa Metro Manila at Rizal province noong nakaraang buwan Kung saan kabuuang P1.15 Billion ang ipinataw ng Government regulators sa Manila water.
Ayon sa Bayan sana ay hindi na ito kontrahin pa ng Manila Water at dalhin sa arbitration bagkus dapat nila itong agarang sundin.
Kasunod nito, umaapela ang grupo na dapat nang bawiin ang rate hike na inapurbahan para sa Manila Water.
Hirit pa ng Bayan na i-rebate sa consumers ang penalty ng Manila Water upang makabawi sa mga consumers na naapektuhan ng matinding krisis sa tubig.