Nagbabala ang Distilled Spirits Association of the Philippines (DSAP) sa gobyerno sa panukalang taasan ang buwis sa mga alak.
Ayon kay DSAP President Olivia Limpe-Aw, ang mga distilled spirits tulad ng wine ay “highly inelastic”, na kapag tinaasan ang presyo nito ay mababawasan ang mga bumibili at bababa ang kanilang kita, maging ang makukuhang revenue ng gobyerno.
Pero suportado nila ang bersyon ng Kamara sa panukala kung saan nasa 25.65% lamang ang Excise Tax sa alcoholic drinks, kaysa sa Senate version nito na nasa 31.22%.
Nanawagan din ang DSAP ng patas na ‘playing field’ sa Excise Tax sa alcoholic products dahil tila disadvantage sa anila ang mga proposed Taxes.
Samantala, sinabi naman ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua na ang argumento ng DSAP ay ‘one-sided.’
Giit pa ni Chua, dahil lumolobo ang populasyon at tumataas ang income, mas purchasing power ang mga tao.