Pagpatay Kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa, “Rubout” Ayon Sa National Bureau Of Investigations

MANILA – Matatawag na “rubout” ang pagkakapatay ng criminal investigation and detection group region 8 kay albuera leyte mayor rolando espinosa.Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, mayroong sabwatan para isakatuparan ang pagpatay sa alkalde.Lumalabas sa imbestigasyon na walang kalaban-laban si Espinosa at kapwa nito inmate na si Raul YapSinabing nagmakaawa si Mayor Espinosa na huwag iframe-up at huwag taniman ng ebidensya hanggang sa mamatay ang mga ilaw na sinundan ng mga putok ng baril.Lumalabas din sa inventory report ng mga jail guard sa baybay na tanging cellphone ang nakumpiska mula sa raid at walang shabu o baril.Naniniwala rin ang NBI na malakas ang isinampa nilang kaso laban kay dating CIDG-Region 8 Dir. Supt. Marvin Marcos at sa 23 iba pa.Giit ng NBI, planado ang pagpatay sa mga biktima maging ang mga ebidensyang ginamit ay planted o itinanim lamang.Sa ngayon, inaalam pa ng NBI kung tinakot o kusang nagpagamit ang isang Paul Olendan na siyang nakalagay sa record na nagtimbre umano sa mga otoridad na may baril at droga sa selda nina Mayor Espinosa at Yap.Sa imbestigasyon ng NBI – nabatid na si Olendan ay isang ex-convict o dati ng nakulong sa Abuyog penal colony.

Facebook Comments