Pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz, pinaiimbestigahan na rin ni Pangulong Duterte sa DOJ

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Sa kanyang talumpati sa ika-60 anibesaryo ng SSS kagabi, tiniyak ng pangulo na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pulis sa ilalim ng kanyang war on drugs.

Muli ring nilinaw ni Duterte na hindi niya inutusan ang mga pulis na pumatay ng mga walang kalaban-laban.


Facebook Comments