Pagpatay kay Judge Abadilla, patunay ng kahalagahan na maisabatas agad ang Philippine Marshal Service

Mariing kinondena ni Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon ang pagpaslang kay Manila Regional Trial Court Judge Maria Theresa Abadilla sa loob mismo ng kanyang tanggapan.

Giit ni Gordon, patunay ito ng kahalagahan na maisabatas ang isinusulong nyang panukalang pagbuo ng Philippine Marshal Service, na magsisilbing independent arm para tiyakin ang seguridad ng mga nasa Hudikatura.

Nanawagan din si Gordon sa Department of Budget and Management (DBM) na magsumite ng mga rekomendasyon sa Senado para sa agarang pagpasa sa panukala.


Diin ni Gordon, ipinapakita ng insidente na hindi na talaga ligtas mula sa mga kriminal o karahasan ang ating mga hukom.

Ayon kay Gordon, walang kapatawaran ang pagpatay sa sinuman lalo na isang hukom na may malaking papel sa pagbibigay ng proteksyon sa kalayaan at karapatan ng mamamayan at sa paghahatid ng katarungan.

Facebook Comments