Pagpatay ng NPA Kay SB Mallari ng Allacapan, Isang Uri ng Pananakot sa Taong Bayan!

Cauayan City, Isabela – Isang uri ng pananakot lamang sa taong bayan ang ginawang pagpaslang kay Sangguniang Bayan Member Zaldy Mallari ng Danilo Ben Command ng NPA. Ito ang naging pahayag ni Sergeant Jake Lopez ng 86th Infantry (High Lander) Battalion ,5th Infantry Division Philippine Army.

Iginiit pa ni Sergeant Jake Lopez na ang ginawang lantarang pagkitil sa buhay ng isang lingkod bayan ay pagkuha ng suporta sa mga mamamayan ngunit sa katotohanan umano ay bilang pananakot sa kaisipan ng mga tao sa bayan ng Allacapan.

Paliwanag pa ni Sergeant Lopez na ang pagpatay ng NPA ay pagkuha lamang ng sapilitang suporta ng mga tao sa lugar.


Samantala naniniwala ang kasundaluhan na ang mga naganap na pagparusa ng NPA sa mga opisyal ay hindi basehan na malakas ang kanilang presensya at pwersa sa Cagayan.

Matatandaan na inako ng Danilo Ben Command ng NPA ang pagpaslang kay SB Zaldy Mallari ng Allacapan Cagayan noong May 24,2018.

Facebook Comments