Pagpatay ng NPA sa isang magsasaka sa araw na pinagkalooban sila ng amnestiya ng pangulo, kinondena ng NTF-ELCAC

Mariing kinondena ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang walang-awang pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa isang magsasaka sa Zamboanga sa mismong araw na idineklara ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang amnestiya para sa lahat ng rebeldeng grupo.

Ayon kay NTF-ELCAC National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., binaril ng point-blank sa ulo ng mga teroristang komunista ang 48 taong gulang na magsasakang si Ricardo Quijano dahil lang hindi siya nakapagbigay ng pagkain sa mga ito.

Sinabi ni Torres na ang krimeng ito ay maituturing na diabolical na kailangang magawaran ng hustisya sa lalong madaling panahon.


Kasunod nito, tiniyak ni Torres na magpapatuloy ang convergence activities ng NTF-ELCAC sa kanyang mga local partners para tuluyang mawakasan ang mga teroristang komunista.

Hinimok naman ng opisyal ang mga nalalabing myembro ng CPP-NPA-NDF at Rebulusyonaryong Partido ng Manggagawa-Pilipinas na magbalik-loob na sa pamamagitan ng amnestiyang alok ng pangulo.

Facebook Comments