Pagpatay sa dalawang isinasangkot sa Bulacan Massacre, maaring kagagawan ng vigilante ayon kay PNP Chief

Manila, Philippines – Hindi inaalis ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang posibilidad na kagagawan ng vigilante ang pagpatay sa dalawang isinasangkot sa Bulacan Massacre kamakailan.

Ayon kay Dela Rosa, posibleng pinatay sina Ronald Pacinos alyas Inggo at Roosebelt Sorima alyas Ponga ng mga galit na grupo dahil sa walang awang pagpatay sa limang miyembro ng pamilya Carlos sa Bulacan.

Idinepensa naman ni General Bato ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ng dumalaw ito sa burol ng mga biktima na nagbantang papatayin ang mga sangkot sa krimen.


Paliwanag ni PNP Chief, wala naman direktang inutusan ang Pangulo para iligpit ang mga salarin.

Sa katunayan aniya ay siniguro ni Dela Rosa na iimbestigahan nila kung sino ang pumatay kina Sorima at Pacinos.

Facebook Comments