Pagpatay sa dalawang persons of interest sa Bulacan Massacre, kagagawan umano ng vigilanteng grupo

Manila, Philippines – Posibleng kagagawan ng mga vigilante ang pagpatay sa dalawang persons of interest sa Bulacan Massacre.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – posibleng pinatay sina Ronaldo Pacinos, alyas “Inggo” at Roosebelt Sorima ng mga grupong galit sa ginawa nilang krimen sa pamilya ni Dexter Carlos.

Dinipensahan din nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabantang papatayin ang mga sangkot sa krimen.


Sa interview naman ng RMN kay PNP-Bulacan Sr/ Supt. Romeo Caramat – itinanggi nitong pulis ang nasa likod ng mga pagpatay.

Pinayuhan rin nito ang iba pang isinasangkot sa krimen na makipag-ugnayan sa kanilang Special Investigation Task Group para sa proteksyon.

Facebook Comments