Pangulong Duterte, kinondena ang pamumugot ng Abu Sayyaf sa dalawang vietnamese National – Duterte, nagbantang kakainin ang atay ng mga bandido!

Manila, Philippines – Kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagpugot ng Abu Sayyaf sa dalawang Vietnamese National na kanilang dinukot, tatlong buwan na ang nakakaraan.

Sa kanyang speech sa pagdiriwang ng ika-64th anniversarry ng Hagonoy, Davao Del Sur, nagbanta ito sa dayalikong bisaya at sinabing kakainin nito ang atay ng mga terorista basta’t bigyan lamang siya ng suka at asin.

Bago ang pagbabanta ng pangulo, ikinuwento nito ang pagpugot sa dalawang dayuhan kung saan tila pinahirapan ang mga ito bago patayin.


Naglabas ng galit ang pangulo, dahil sa posibleng maging epekto nito sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Anya, kakailanganin niyang magpaliwanag sa pamahalaan ng Vietnam hinggil sa nangyaring ito.

*

Facebook Comments