Cauayan City, Isabela- Nagdaos ng misa ang pamilya Hernandez sa puntod ng yumaong padre de pamilya at dating Board Member ng Isabela matapos ang isang (1) taon na lumipas ng pagbabarilin ito ng riding-in-tandem criminals sa araw ng panunumpa nito bilang Municipal Administrator ng Bayan ng San Mateo.
Ayon kay Mayor Gregorio ‘Greg’ Pua, hustisya pa rin ang sigaw ng malalapit na kaibigan, katrabaho at pamilya ng namayapang board member dahil tila wala pang napapanagot sa likod ng walang awang pagpatay sa biktima.
Inihayag pa ng opisyal na lumabas na ang ‘warrant of arrest’ laban sa mga nasasangkot sa pagpatay subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga kriminal.
Tanging hiling lang ng alkalde ang kooperasyon ng publiko sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga pumatay sa dating board member.
Si Napoleon Hernandez ay pinagbabaril kasama ang kanyang asawa na maswerte namang nakaligtas sa insidente sakay ng isang pribadong sasakyan.
Sa ngayon ay naglaan na rin ng pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng San Mateo ng P200,000 at P500,000 mula sa Provincial Government.