Pagpatay sa dating editor ng Remate, mariing kinondena ng PTFoMS

Mariing kinondina ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang nangyaring pagpatay sa dating editor ng pahayagang Remate kahapon sa Quezon City

Ayon kay PTFoMS Undersecretary Joel Egco, may progress report na silang nakuha mula sa Quezon City Police District (QCPD) at pinag-aaralan na ang mga nakitang ebidensya sa pinangyarihan ng krimen.

Si Salameda ay nagtamo ng mga sugat at tama ng bala ng .45 baril sa baba at dibdib.


Umapela rin ni Egco sa QCPD, laliman pa ang isinasagawang imbestigasyon bagama’t walang kinalaman sa media ang pagpaslang ay kailangan pa rin aniya na malaman kung ano ang ugat at motibo ng pagpatay para makamit ang hustiya.

Paalala naman ng PTFoMs, mag-ingat sa panahon ngayon at huwag magtiwala agad-agad upang hindi mabiktima ng masasamang loob.

Facebook Comments