Pagpatay sa grade 7 student sa Calamba, Laguna kinondena ng DepEd

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagsasailalim sa ‘psychological debriefing’ sa mga estudyante at guro sa Castor Alviar National High School sa Calamba City.

Ito ay matapos ang pagpatay ng isang gwardiya sa isang grade 7 students na si Mark Anthony Miranda, 15-anyos, na binaril sa ulo.

Kinilala ang suspek na si Renan Estrope Valderama alyas “Renz Ivan”, na nasa 30-35 anyos at isang security guard sa isang spa.


Isinapubliko na ng mga otoridad ang larawan ng suspek para sa mabilis na ikadarakip nito.

Mag-uusap-usap na rin ang School Governing Council at Parent-Teacher Association (PTA) para paigtingin ang seguridad sa paaralan at para tiyaking hindi na mauulit ang trahedya.

Sa kabila nito ay nagpaabot naman ng pakikiramay ang DepEd sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng biktimang si Mark habang patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinaghahanap ng PNP-Calamba ang suspek matapos tumakas.

Facebook Comments