Pagpatay sa Kumandidatong Sangguniang Bayan, Iniimbestigahan pa rin

Cauayan City, Isabela-Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasa likod ng insidente ng hinihinalang pamamaril sa kumandidatong Sangguniang Bayan sa Angadanan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Elderson Albano, 44-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Dipaluda sa nasabing bayan.

Ayon kay PMAJ. Francis Pattad, hepe ng PNP Angadanan, may sinusundan na silang anggulo hinggil sa nangyaring pamamaril subalit minabuting hindi muna isapubliko para sa tuloy-tuloy na imbestigasyon.


Tumambad sa mga otoridad ang wala nang buhay ng biktima na nakahandusay sa bahagi ng tubuhan ng Brgy. Duroc kung saan maraming bala ang tinamo ng kanyang katawan na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Batay naman sa naging salaysay ng nagngangalang ‘Mario’ ay umalis ng bahay ang biktima bandang 6:30 ng umaga kahapon, September 15 para pumasok sa kanyang trabaho sa Brgy. Bunnay bilang isang farm technician.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 12 basyo ng bala ng kalibre 45 at dalawang (2) slug kasama pa ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang biktima subalita idineklara na itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Facebook Comments