Pagpatay sa mga aktibista sa CALABARZON, kinondena ni VP Robredo sa gitna ng “murderous regime”

Kinokondena ni Vice President Leni Robredo ang tila pag-‘masaker’ sa pitong community organizers sa CALABARZON.

Sa statement, nanawagan si Robredo ng malinis at patas sa imbestigasyon sa mga pagpatay.

Hindi katanggap-tanggap na maraming inosenteng buhay ang nasasayang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Umapela rin ang Bise Presidente ng hustisya para sa buhay ng mga napaslang na aktibista.

“Sa panahon kung kailan patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay, nagugutom at naghihirap dahil sa pandemya, ito ang masakit na katotohanan: Patuloy ang pagpatay sa Pilipino. Maglilimang taon nang pinapatay ang mga mahihirap sa ngalan ng isang drug war,” sabi ni Robredo.

Iginiit ni Robredo na kailangang manindigan ang mga Pilipino hindi lamang sa kanilang pamilya at kaibigan, kundi para na rin sa mga kapwa nila na naniniwala sa maayos na pamamahala, kalayaan at demokrasya.

Nabatid na siyam na aktibista, kabilang ang isang environmentalist at isang coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan ang napatay sa operasyon ng militar at pulisya habang anim na naaresto.

Bago ito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na balewalain ang “human rights” at habulin ang mga rebeldeng komunista.

Facebook Comments