Sang-ayon ang mga samahan ng private schools na pagsasamahin ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa Basic Education Curriculum sa Philippine education.
Ayon kay Federation of Federation of Associations of Private Schools Administrators President Eleazardo Kasilag, pabor ang kanilang samahan na pagsamahin sa basic curriculum ang GMRC upang magkaroon ng magandang asal ang mga mag-aaral.
Una rito noong Biyernes, October 23, ang Department of Education’s Legislative Office ay inanyayahan ang mga grupong private school na magsagawa ng Virtual Stakeholder’s Consultation sa pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulations of Republic Act 11476 o mas kilalang “An Act Institutionalizing Good Manners and Right Conduct and Values Education in the K to 12 Curriculum” kung saan ang FAPSA at ang Coordinating Council of Private Educational Associations ay kabilang sa mga kalahok.
Naniniwala ang FAPSA na malaki ang mapapakinabangan sa GMRC upang matuto ang mga estudyante ng magandang asal.