Pagpapawalang bisa sa pagtalaga ng MVIS sa private operators, inirekomenda ng Senate public services committee

Inirekomenda ng Senate public services committee na pinamumunuan ni Senator Grace Poe na ipawalang bisa ang pagtatalaga ng motor vehicle inspection system sa private operators o ang Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVIC.

Nakasaad sa Committee Report No. 184 na bawiin o ibasura ang Department Order number 2018 – 19 ng Department of Transportation (DOTr) at lahat ng inisyu nitong kautusan ukol sa pagsasapribado ng motor vehicle inspection.

Ipinunto sa Committee Report na “half-baked” ang polisiya kaya kailangan pang dumaan sa normal na proseso sa lehislatura alinsunod sa kapangyarihan ng Kongreso.


Idinetalye sa committee report ang iba’t ibang isyu tulad ng legalidad ng pagsasapribado ng MVIS, kawalan ng konsultasyon at transparency accreditation ng private inspection centers, hindi pa rin sapat na inspection centers, glitches sa sistema at hindi pagtugma sa private motor vehicle inspection systems ng Land Transportation Office (LTO) Information Technology (IT) at landscape ng mga sasakyan sa bansa.

Kasama rin sa rekomendasyon na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang maanomalyang transaksyon sa akreditasyon ng PMVICs at ng mga opisyal na sangkot dito.

Nadiskubre ng komite na walang kapital o kaya ay kwestyunable ang katayuang pinansyal ng ilan sa mga PMVIC na binigyan ng akreditasyon ng DOTr at hindi rin malinaw kung nakasunod ang mga ito sa documentary at legal requirements.

Facebook Comments