Pagpayag na makalabas ng bahay ang mga menor de edad sa ilalim ng Alert Level 3, depende sa LGU

Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) sa Metro Manila ang desisyon kung papayagan nang lumabas ng bahay ang mga menor de edad sa ilalim ng Alert Level 3.

Paliwanag ni DILG Usec. Epimaco Densing III, bagama’t aalisin na ang age restriction sa ilalim ng Alert Level 3 ay depende pa rin sa National Capital Region o NCR mayors kung papayagan na nilang lumabas ang mga bata.

Aniya, sinabihan na niya si Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairperson Benhur Abalos na talakayin ito kasama ang mga alkalde sa NCR.


Sa ngayon kasi ay hati ang mga alkalde sa ideyang payagan nang makalabas ng kanilang bahay ang mga menor de edad.

Facebook Comments