MANILA – Hindi katanggap-tanggap para sa mga kongresista ang naging desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division na payagang makapagpiyansa sa kasong plunder sina pork barrel queen Janet Lim-Napoles at Masbate Governor Rizalina Seachon-Lañete.Ito’y kahit na hindi pa rin makakalabas ng kulungan si Napoles dahil sa ibang kaso na isinampa laban sa kanya.Sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte na nakakadismaya ang desisyon ng anti-graft court kung saan hindi umano malakas ang ebidensya laban sa mga respondents.Bagama’t nirerespeto ni Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe ang ruling ng korte, magsisilbing setback naman umano ito sa anti-corruption efforts ng gobyerno.Kinakailangan umanong maghain agad ng motion for reconsideration ang prosekusyon at magpresenta ng matibay na ebidensya, habang hinimok naman nito ang iba’t-ibang sektor na maging mapagmatyag sa kahihinatnan ng kaso.Pinatutsadahan naman ni Kabataan Party-list Congressman Terry Ridon ang Malacañang at si administration bet Mar Roxas kung nakipagkasundo ba sila kay Napoles na itinuturing na central figure sa umano’y pinakamabigat na kaso ng pandarambong kasunod ng rehimeng Marcos.
Pagpayag Ng Korte Na Makapagpyansa Si Napoles, Tinututulan Sa Kamara
Facebook Comments