Ipasisilip ni Senator Imee Marcos ang pasya ng Philippine National Police (PNP) na pahintulutan ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic na baril.
Sa inihaing Senate Resolution 953, iginiit ni Marcos na dapat mapag-aralan ang posibleng epekto nito sa publiko at kung naaayon ba ito sa polisiya ng gobyerno.
Aalamin din kung talagang kailangan ang mga semi-automatic rifle para sa proteksyon ng mga sibilyan at kung sumusunod ba ito sa polisiya ng gobyerno para magpanatili ng ‘peace and order’ at para maprotektahan ang publiko mula sa karahasan.
Para kay Marcos, dapat na amyendahan na mismo ang batas at tuluyan nang ipagbawal sa mga sibilyan ang semi-automatic na mga armas.
Facebook Comments