Imbestigasyon ng Kamara sa bigas scam, walang sasantuhin at walang sisinuhin

Kasado na ngayong araw ang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa “bigas scam” na kinasasangkutan ng National Food Authority o NFA.

Ayon kay Committee Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga, malinaw ang direktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na walang sasantuhin at walang sisinuhin sa kanilang pagsisiyasat.

Binanggit pa ni Enverga na inatasan sila ni Speaker Romualdez na gawing prayoridad ang napaulat na pagbebenta umano ng ilang opisyal at kawani ng NFA ng 75,000 sako ng bigas sa ilang traders nang walang bidding at sa presyong agrabyado ang gobyerno.


Facebook Comments