Ikinatuwa ni Manila Mayor “Isko” Moreno Domagoso ang pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na suotin na lamang ang face shield sa loob ng ospital at huwag na itong gawing mandatory ang pagsusuot nito.
Ayon kay Mayor Moreno, ang naturang pahayag kasabay sa isinagawang “Symbolic Vaccination of Seafarers” sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard ngayong araw.
Paliwanag pa ng alkalde ang pagpabor ni Pangulong Duterte hinggil sa pagpapatigil sa pagsusuot ng face shield, basta’t may suot na face mask, dahil patunay lamang umano ito na nakikinig ang pangulo sa hinaing ng mga “minimum wage worker” lalo na ang mahihirap dahil malaki ang kanilang matitipid kung hindi na sila obligadong bumili ng kanilang face shield.
Matatandaan na una nang umapela si Moreno na dapat na umanong ipatigil ang pagpapagamit ng face shield sa publiko at dapat na lamang aniya itong gamitin sa loob ng ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.