Pagpayag sa mga bata na makalabas sa GCQ at MGCQ areas, suportado ng CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagpayag na makalabas ang mga batang limang taong gulang pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ (MGCQ).

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, malaking tulong ito sa kapakanan ng mga bata lalo’t may negatibong epekto sa kanila ang ipinapatupad na quarantine restrictions.

Aniya, malaki rin ang maitutulong ng paglabas na ng mga bata para mapasigla muli ang mga negosyo.


Payo naman ni De Guia sa mga magulang na tiyaking mapapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng pagsunod sa health and safety protocols ng mga establismento.

Facebook Comments