Pagpayag sa partial dine-in operations sa mga restaurants, ikinalugod ng DOT

Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na aprubahan ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang partial dine-in operations sa mga restaurants sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sakop nito ang pagbubukas ng dine-in services at restaurants sa Metro Manila, Pangasinan, Zamboanga City, Davao City, at ilang siyudad at bayan sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Central Visayas.

Paalala ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga restaurant na nasa loob ng mga hotel at accommodation establishments na maaari na silang mag-operate simula ngayong araw, June 15 sa 30% seating capacity limit para sa dine-in customers.


Binigyang diin ng kalihim na mag-iikot at mag-iinspeksyon ang team na binubuo ng DOT, DTI, at mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para matiyak na nasusunod ang health protocols.

Facebook Comments