Inagurasyon ng temporary houses para sa mga frontliners, pangungunahan ni VP Robredo

Pangungunahan ng Office of the Vice President (OVP) at private partners ang pagpapasinaya ng temporary shelters para sa medical frontliners sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Nabatid na naudlot ang inagurasyon at pagbabasbas ng The Oasis nitong June 12 dahil sa Bagyong Butchoy.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na handa na ang mga temporary shelter para sa mga frontliner.


Ang anim na temporary shelter ay air-conditioned at kayang mag-accommodate ng tig-10 frontliners.

Ang housing units ay donated ng IKEA, isang Swedish furniture company na nagbukas ng kauna-unahang store nito sa bansa ngayong taon.

Facebook Comments