Pagpili kay Rep. Cayetano bilang susunod na speaker, tinanggap ng Party-list Coalition

Tinanggap ng 54-member Party-list Coalition ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Taguig Representative Alan Peter Cayetano bilang house speaker ng 18th Congress.

Ayon kay Party-list Coalition President, 1-Pacman Representative Michael Romero – susundin nila ang mga kagustuhan ng Pangulo maging ang term sharing ni Cayetano kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Iginiit din ni Romero na mananatili ang kanilang “vote as one.”


Pero nilinaw din ng mambabatas kung paano gugulong ang suhestyon ng Pangulo tungkol sa term sharing at pagpili naman niya kay Leyte Representative Martin Romualdez bilang majority leader.

Una nang sinabi ni Party-list Coalition Spokesperson, 1-Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta na ang ideyang term sharing ay isang “anathema” o undesirable.

Facebook Comments