Pagpili ng brand ng COVID-19 vaccine, hindi nangangahulugang nag-aalangan na sa bakuna – WHO

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na ang pagpili ng brand ng COVID-19 vaccine ay hindi nangangahulugang mayroong vaccine hesitancy.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakikita nila na maraming tao na ang gustong magpabakuna pero hindi kaya ng lokal na pamahalaan na sabayan ang demand.

Lumalabas na kakaunti lamang ang mga taong nag-aalangan na magpabakuna.


Matatandaang ipinatupad ng pamahalaan ang brand agnostic policy kung saan pinagbabawalan ang mga local authorities na isiwalat ang brand ng bakuna bago ang araw ng vaccination.

Facebook Comments