Pagpili ng speaker, nasa kamay ng Pangulo

Manila, Philippines – Aminado ang House Minority Group sa Kamara na ang Pangulo pa rin ang masusunod sa pagpili ng susunod na Speaker sa 18th Congress.

Ayon kay Ako Bicol Representative Alfredo Garbin, kung sino ang piliin ni Pangulong Duterte na maging Speaker ay iyon ang susuportahan ng mga kongresista kahit pa mayorya ng mga mambabatas ay may ibang napipisil na lider ng Kamara.

Dahil dito, batid ng kongresista na nawawalan ng independence ang Mababang Kapulungan sa dikta ng Presidente.


Kung si House Minority Leader Danilo Suarez ang tatanungin, si incoming Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez ang kanilang susuportahan.

Aniya, nagpaikot na ng manifesto of support para sa mga incoming congressmen para kay Romualdez kung saan 126 na mambabatas na ang pumirma dito.

Ayaw naman makialam o magrekomenda ng Minorya sa kung sino ang susuportahan ni Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sarah Duterte na susunod na Speaker.

Facebook Comments