Nalagdaan na kaninang umaga ang 35 mga letters of intent o mga kasunduan sa pagitan ng iba’t ibang kompanya ng Japan para sa kanilang pinasok na mga proyekto sa Pilipinas.
Ito ay sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa talumpati ng pangulo sa nasabing aktibidad, nagpasalamat ito sa mga Japanese firm at partners dahil ikinonsidera ang Pilipinas para sa pagtatayo ng negosyo.
Matagal na aniyang may malalim na tiwala ang gobyerno ng Pilipinas sa mga foreign investors at companies.
Sinabi pa ng pangulo na malaking tulong sa business environment ng Pilipinas ang mga investment na ito.
Hiling naman ng pangulo sa Japanese companies na manatiling piliin ang Pilipinas bilang lugar na pagtatayuan ng negosyo.
Ang nilagdaang letters of intent ay patungkol sa manufacturing, infrastructure development, energy, transportation, healthcare, renewable energy at business expansion.
Nalagdaan ito matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr., at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan kahapon.