Bigtime rollback sa diesel at kerosene, asahan na next week!

Nangangamoy rollback na naman sa susunod na linggo!

Batay sa pagtaya ng oil industry, posibleng umabot sa ₱2.39 ang matapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱2.37 sa kerosene.

Habang alanganin pa ang karampot na rollback sa gasolina na nasa ₱0.11.


Nito lamang Martes nang magpatupad ng ₱3.00 bawas presyo sa diesel ang mga kumpanya ng langis habang mahigit ₱2.00 naman sa gasolina at kerosene.

Facebook Comments