Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Panfilo Lacson sa majority leaders ng mataas at mababang kapulungan na plantsahin na ang rules o mga patakaran para sa gagawing joint session bukas.
Ayan kay Lacson, isa sa mga natutunan nya sa school, para maiwasan ang kumplikadong sitwasyon ay kailangan palaging may malinaw na rules na nauunawaan at masusunod.
Sinabi ni Lacson, bukod sa iginigiit ng house na nominal voting, hanggang sa ngayon ay wala pa ring naisasapinal na rules para sa joint session para talakayin ang hirit na extension ng batas militar sa Mindanao.
Paliwanag ni Lacson, kung walang plantsadong rules ay baka maging magulo ang kanilang joint session bukas.
One thing I learned in school to avoid conflict situations are: 1) there must be rules; 2) rules must be clearly understood and; 3) rules must be followed.
“As of this afternoon, aside from the House decision to do nominal voting, there are still no rules crafted. Magulo yan. I therefore urge the majority leaders of both houses to come up with rules that will govern Saturday’s joint session”. Ayon kay Sen. Lacson.