Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na iwasan ang pag-post sa social media ng mga malalaswang larawan at videos.
Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, itinuturing itong serious offence sa Hong Kong.
Paliwanag ng Philippine Consulate General sa HK na sinuman ang lalabag ay may katapat na parusang 3 taong pagkakakulong at multang 1-million Hong Kong dollars.
Binigyang diin ng Philippine Consulate General sa HK na dapat sumunod sa mga patakaran ang mga Pinoy doon upang maiwasang makastigo ng ipinaiiral na batas sa nasabing bansa.
Facebook Comments