Pagprayoridad sa mga economic bills tugon sa pangngulelat ng Pilipinas sa larangan ng Foreign Direct Investments

Umapela si Committee on Economic Chairman Senator Win Gatchalian sa mga mambabatas na iprayoridad ang pagpasa sa mga economic bills katulad ng Public Service Act at Retail Trade Liberalization Act.

Ito ang nakikitang solusyon ni Gatchalian sa pangungulelat ng Pilipinas noong 2018 pagdating sa Foreign Direct Investment o FDI kumpara sa sampung pang mga bansa sa asya.

Sa tingin ni Gatchalian, ito ay dahil sa pagtaas ng inflation rate noong nakaraang taon, limitasyon sa ating investment environment at kakulangan sa sektor ng imprastratura.


Umaasa si Gatchalian na sa nalalabing siyam na araw ng session bago matapos ang kasalukuyang kongreso ay maipapasa ang mga panukala na mas makahihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan.

Facebook Comments