Pagprayoridad sa pagbili ng mga produktong gawa sa bansa, nakapaloob sa 2022 national budget

Obligado ang mga ahensya ng gobyerno at mga local government unit na iprayoridad sa pagbili ng mga produkto ang gawa sa Pilipinas.

Halimbawa nito ang mga ahensya at lokal na pamahalaan na mayroong feeding program, relief operations at food subsidy program na direktang bumili sa nga magsasaka at mangingisda ng nailangan nilang produkto.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, nakapaloob ito sa inaprubahan ng Senado na bersyon ng 2022 national budget.


Sabi ni Angara, tinawag itong Tatak Pinoy Provision sa General Appropriations Bill.

Paliwanag ni Angara, layunin nito na matulungan ang mga lokal na supplier at negosyante sa gitna ng pagbagal ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments