Pagproseso ng Social Amelioration Cards, kaya ng 3 araw

Posibleng sa loob ng 2 hanggang 3 araw ay maipamahagi na ang lima hanggang walong libong pisong financial assitance sa mga kababayan nating lubos na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Kabilang sa mga ito ang mga senior citizen, person with disability, pregnant and lactating woman, solo parent, poor indigenous community, homeless, informal economy workers, below minimum rate, mga empleyadong no-work no-pay, distressed overseas Filipino workers, entrepreneur na may asset na mababa sa P100,000, family enterprise owner, farmers, fisherfolks at stranded workers.

Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa laging handa public press briefing na madali lamang ang proseso sa pagkuha ng Social Amelioration Cards.


Nakipag-ugnayan na aniya ang kanilang mga regional directors sa bawat LGUs upang makuha ang listahan ng mga target beneficiaries.

Ang LGU aniya ang magpapadaan sa Brgy. at ang mga pinuno ng Brgy. ang syang magbabahay bahay para ma fill-up-an ang form ng Social Amelioration Cards, pagkatapos ibabalik aniya ito sa DSWD at mula doon ay maipapamahagi na nila ang nasabing halaga.

Paliwanag pa ni Bautista na madali lamang ito at kayang kaya basta’t magtulung-tulong ang National at Local Government.

Facebook Comments