Pangulong Duterte, nagbigay pugay sa SAF 44

Nagbigay pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa 44 na pulis ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na napatay sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na nakakadurog ng puso ang insidente dahil ang kampanya para sa kapayapaan ay may buhay na kapalit.

Nagbuwis ng buhay ang mga pulis para ipagtanggol ang bansa at labanan ang mga banta sa pambansang seguridad.


Dagdag pa ng Pangulo, ang bansa ay nawalan ng mga magigiting na pulis na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa bayan.

Sa mga pamilya ng mga nasawing SAF personnel, sinabi ni Pangulong Duterte buong tatanaw ng utang na loob ang buong bansa sa kanila.

Facebook Comments