Ginanap ang isang pagpupulong ukol sa pagtatanghal ng panukalang disenyo para sa paparating na Binalonan Museum na nakatakdang ilagay sa Binalonan Intermediate School.
Prinisinta ng University of Santo Tomas – Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics (UST-CCCPET) Director ang isang mock-up ng mga disenyo at curatorial content para sa Phase 1 ng itatayong museo.
Kasama ang lokal na pamahalaan ng Binalonan, mga municipal department head ng mga opisina ng turismo at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, tinalakay ang konsepto batay sa kasaysayan at cultural mapping profile ng bayan.
Layunin naman ng heritage museum na mas maitaguyod at mas mapangalagaan pa ang kultura at pagkakakilanlan bilang mga Binalonians.
Nakatakda namang ilunsad at buksan ang Binalonan Museum sa taong 2023. |ifmnews
Facebook Comments