Iba’t ibang ward sa Pasay City General Hospital, punuan na

Wala ng bakante at punuan na ang iba’t ibang ward sa Pasay City General Hospital sa lungsod.

Napag-alaman na sa ngayon ay 8 pasyente ang mga naghihintay sa ibaba na mailipat naman sa Medical at Transition Ward kung saan nasa 33 porsyento ng mga kama ang okupado ng mga pasyenteng mayroong sakit na COVID-19.

Hindi rin maiakyat ang ilan sa mga pasyente at nananatili sa emergency room dahil sa hinihintay pa rin ang resulta ng kanilang RT-PCR Test.


Pero, kahit punuan ay tumatanggap pa naman umano sila ng mga pasyente na handang maghintay ng mga bakanteng ward.

Inabisuhan naman ang mga nasa kritikal na kalagayan na sa ibang mga pagamutan pumunta upang agad na mabigyan ng agarang atensyon.

Facebook Comments