Pagpupuslit ng COVID-19 vaccines na ginagamit sa iligal na bentahan ng bakuna, posibleng nangyayari sa LGU

Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga local government unit (LGU) na pangalagaan ang mga bakunang kanilang natatanggap mula sa gobyerno.

Sabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center chief Dr. Myrna Cabotaje, posible kasing nagsisimula sa mga LGU ang ‘pilferage’ ng mga COVID-19 vaccines na ginagamit naman sa iligal na bentahan ng mga bakuna.

Hinala niya, nangyayari ang pagpupuslit ng pailan-ilang piraso ng bakuna sa tuwing dinadala ito sa mga vaccination site mula sa storage facility.


“Mas madali kasing kunin itong Sinovac kasi one dose vial lang ito. Yung ibang bakuna, sampung doses yan so hindi tayo sigurado sa second dose niya. So, paisa-isa siguro kinukuha, tapos iniipon yan. So kailangan maging vigilant tapos kailangan imbentaryo,” ani Cabotaje sa interview ng RMN Manila.

Pero ayon kay Cabotaje, naniniwala siyang hindi ito kapabayaan ng mga LGU bagkus ay ay mayroon lang talaga itong mga tiwaling tauhan.

“Hindi naman exactly na negligence, siguro, it made us aware na some can be so scrupulous. Kasi dapat konsensyado tayo kasi napakamahal ng bakuna tapos ang ipagbibili nila hindi epektibo kasi hindi pinapangangalagaan yung kanyang sa cold chain system. Kailangan naka-ref yan, may temperatura na mine-maintain para maging safe and effective,” dagdag niya.

Facebook Comments