
Maituturing na isang magandang regalo para sa mga kapatid na Muslim ngayong Eid al-Fitr ang pag-ratipika ng Senado sa panukalang batas na iurong sa Setyembre ang unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, katuparan ito ng pangako ng batas na Bangsamoro Organic Law na kilalanin ang karapatan ng mga Bangsamoro na pumili ng kanilang lider.
May apela naman si Zubiri sa sinumang mga uupo sa Bangsamoro Parliament na gawin ang lahat ng makakaya para matulungan ang kanilang rehiyon.
Sa ikalawang Lunes ng Setyembre itatakda ang eleksyon at sa October 30 ang umpisa ng panunungkulan ng mga mananalo.
Pagkatapos nito, isasabay nang palagi ang BARMM elections sa local at national elections ng buong bansa.










