Pagratipika ng Senado sa reciprocal access agreement ng Pilipinas at Japan, welcome development sa DND

Ikinatuwa ng Department of National Defense (DND) ang pag-apruba ng Senado sa resolusyon na nagraratipika sa Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ayon sa DND, ang kasunduang ito ay inaasahang magpapalalim pa sa defense security cooperation ng dalawang bansa.

Lalo ring palalakasin ng RAA ang interoperability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japan Self-Defense Forces (JSDF) sa pamamagitan ng mga pagsasanay.


Binigyang-diin ng DND na ang RAA ay simbolo rin ng matatag na pangako ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at katatagan sa Indo-Pacific region.

Facebook Comments