Pagre-re-supply ng face masks, tiniyak

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magtatagal ang kakulangan sa supply ng face masks.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – madali lamang gumawa at magre-stock ng mga surgical at N95 mask dahil industrial products ang mga ito.

Payo ng kalihim sa mga tindahan na mag-order ng mas maraming face masks, alcohol, at sanitizer dahil mataas ang demand ngayon.


Binalaan din ng DTI ang mga negosyante na huwag itaas ang presyo ng face mask kung ayaw nilang makasuhan.

Facebook Comments