Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na nakakaapekto ang northeast monsoon sa buong bansa.

Dahil sa epekto ng amihan, asahan ang mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Bicol Region at sa lalawigan ng Aurora, Quezon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.


Maganda rin ang panahon sa Kabisayaan maliban sa mga kalat-kalat na pag-ulan sa Samar at Leyte.

Mainit at maalinsangan ang panahon sa Mindanao.

Delikadong maglayag ang mga may maliliit na sasakyang pandagat sa hilaga at silangang baybayin ng bansa.

Facebook Comments