Pagre-require ng vaccine pass sa mga establishments, discriminatory – DTI

Hindi suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ngayon ang pagpapatupad ng vaccine pass sa mga business establishment.

Ang vaccine pass ay isang patunay kung ang isang tao ay nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte, malabong gawin ito lalo na at marami pa ring nagdududa sa bisa ng mga bakuna.


Magdudulot lamang din aniya ito ng diskriminasyon sa mga Pilipino.

“Unang-una po siguro dahil na rin sa sinabi ng DOH na hindi naman talaga may kasiguruhan na yung vaccine ay talagang hindi pa pwedeng mag-contaminate ng kapwa so malinaw po yan sa sinabi ng DOH. Pangalawa baka mahirapan pa tayo sa pag-implement kung ito po ay magiging mandatory,” ani Vizmonte.

Bagamat pwede itong ipatupad sa ilang establishments, pero iginiit ni Vizmonte na hindi ito applicable sa buong industriya.

“As of now kasi ang pananaw po natin parang magkakaroon ng iba-ibang treatment sa bawat publiko at second mahirap talagang maimplement kasi ibig sabihin po niyan lahat ng tao ay hahanapan po natin ng proof that they are already vaccinated,” Ani Vizomonte.

Una nang naghayag ng pagkontra ang Department of Health (DOH) sa vaccine pass system.

Facebook Comments