Pagre-review at pagtataas sa minimum wage, sinusuportahan ng Makabayan sa Kamara

Suportado ng ilang kongresista sa Makabayan Bloc ang panawagan ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor para sa agarang pagre-review sa minimum wage at pagtataas nito.

Kinukwestyon ng Makabayan Bloc ang mabilis na pagsirit sa presyo ng mga produktong petrolyo gayong napakabagal ng gobyerno para tugunan ang taas sahod ng mga manggagawa at empleyado.

Naniniwala ang Makabayan na isang pambansang minimum wage ang kailangan para makaagapay ang maraming mga Pilipino sa araw-araw na buhay.


Bukod sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay pinamamadali na rin ang salary upgrade partikular sa mga public school teacher.

Isinusulong na gawing salary grade 15 ang sweldo ng mga nasa teacher I habang ipinatataas sa ₱16,000 ang minimum na sahod sa SG 1 para sa education support personnel at mga empleyado sa ibang ahensya.

Hamon ng Makabayan kay Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan sa sambayanan na kahit nasa huling mga buwan ng termino nito ay gumagawa pa rin sila ng paraan para sa mga manggagawang Pilipino at hindi puro kampanya at pagmamaniobra para manatili sa kapangyarihan.

Facebook Comments