Sinimulan nang repasuhin ng Department of Education (DepEd) ang curriculum para sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, babawasan nila ang nilalaman ng curriculum para sa susunod na pagbubukas ng klase sa school year 2021-2022.
Nabatid kasi na overloaded o sobra ang laman ng mga itinuturo kaya nahirapan ang mga batang makahabol.
Ani pa ni San Antonio, nakikipag-ugnayan din sila sa mga eksperto sa unibersidad sa gobyerno at maging sa pribadong sektor para tumulong sa pagbalangkas ng mga aralin sa mga estudyante.
Sa ngayon, pagtitiyak pa ni San Antonio pinahuhusay rin nila ang mga pamamaraan para sa distance learning sa gitna ng pagbabawal pa rin sa pagsasagawa ng face-to-face classes dahil sa epekto ng COVID-19.