Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na pinabibilis na nila ang pagre-review ng pasahe at evaluation ng non-operation routes ngayon papalapit na ang face-to-face classes ng mga mag-aaral
Nauna rito ay bumuo ng Task Force ang DOTr at Department of Education (DepEd) para paghandaan ang sistema ng pampublikong transportasyon sa sandaling magbukas na ang face-to-face classes.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, pinulong na nito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa tanggapan ng Light Rail Transit Authority (LRT) sa Pasay City upang talakayin ang pagsasaayos ng pag-commute sa mga mananakay.
Inirekumenda ng kalihim ang pag-otorisa sa mga Public Utility Vehicles na magpakalat ng 90% hanggang 100% ng units tuwing peak hours upang hindi na mahirapan ang mga pasahero sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan.